Nagtatagpo ngayong umaga, Disyembre 13, 2023 sa Hanoi ng Biyetnam sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Vuong Dinh Hue, Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam.
Idiniin ni Xi na dapat patuloy na pakitunguhin ng dalawang bansa ang relasyong Sino-Biyetnamese sa pananaw na estratehiko at pangmatagalan at matatag na pasulungin ang bilateral at mapagkaibigang kooperasyon.
Dagdag pa ni Xi na dapat maayos na hawakan at kontrolin ng dalawang bansa ang mga hidwaan at pagkakaiba.
Umaasa ani Xi na patuloy na mapapalalim ng departamentong lehislatibo ng dalawang bansa ang pagpapalitan at kooperasyon para pasulungin ang pagkaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Mainit na tinanggap ni Vuong Dinh Hue ang pagdalaw ni Xi sa Biyetnam.
Sinabi niya ang relasyon ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam at Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Biyetnamese.
Saad pa niyang kasama ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, nakahanda ang Pambansang Asembleya ng Biyetnam na pahigpitin ang pagpapalitan at kooperasyon sa mga larangang gaya ng demokrasya, pamamahala batay sa batas at paglaban sa korupsyon para ibayo pang patatagin ang tradisyonal na pagkakaibigan at estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio