Unang pagbagsak ng niyebe sa Beijing, kaaya-ayang karanasan para sa estudyanteng Pinoy

2023-12-14 17:25:44  CMG
Share with:


 

Kasabay ng unang pag-ulan ng niyebe sa buong siyudad ng Beijing, Disyembre 11, 2023, kapansin-pansin ang mga ginagawang paglilinis upang maiwasan ang aksidente’t peligro, pero para sa isang Pilipinong estudyante, ang pag-ulan ng niyebe ngayong taon ay isang kaaya-aya at nakakapanibagong karanasan.

Ayon kay Anne Trishia Fresco, master’s student ng Biomedical Engineering sa Beijing University of Technology (BJUT), noong nakaraang taon ay nasa Pilipinas pa siya kaya nakakapanibago at napakasaya ang pakiramdam ng malamig na klima sa Beijing.

Tuwang-tuwa si Anne nang makita niya ang unang pagbagsak ng maputing niyebe, at daglian siyang lumabas ng dormitoryo para makipaglaro sa mga kaklase.


Ulat: Ramil Santos, Rhio Zablan

Video: Rhio Zablan, Ramil Santos

Patnugot: Liu Kai

Patnugot sa website: Sarah