CMG Komentaryo: Pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina’t Biyetnam na may estratehikong katuturan, angkop sa hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa

2023-12-15 15:04:57  CMG
Share with:

Sa panahon ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam mula Disyembre 12 hanggang 13, 2023, magkasamang ipinatalastas ng dalawang bansa ang pagkakatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina’t Biyetnam na may estratehikong katuturan para sa pagbubukas ng bagong yugto ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Partido Komunista ng Vietnam (CPV).


Ito ang ika-3 beses na dumalaw si Xi sa Biyetnam sapul noong taong 2015 at ipinapakita nito na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido.


Kapwa nasa pamumuno ng partido ng komunista ang Tsina at Biyetnam,  pareho ang sistemang pulitikal at magkakatulad ang ideya at landas ng pag-unlad ng dalawang panig.


Kaya ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina’t Biyetnam ay nangangahulugang magiging mas malalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, magiging mas malalim at aktuwal ang kanilang kooperasyon, magiging mas matibay ang pundasyon ng hangarin ng kanilang mga mamamayan, magiging mas mahigpit ang pagtutulungan sa mga multilateral na plataporma, at magiging mas maayos ang pagkontrol at paghawak ng dalawang panig sa mga hidwaan at pagkakaiba.


Bilang bagong starting point ng relasyong Sino-Biyetnamese, ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina’t Biyetnam na may estratehikong katuturan ay hindi lamang magpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi magdudulot ng positibong epekto sa rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil