Nagpadala ngayong araw, Disyembre 15, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe sa U.S.-China Business Council (USCBC) bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag nito.
Sa kanyang mensahe, idiniin ni Xi na ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay mahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa at nagdulot ito ng aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Saad pa ni Xi na ang modernisasyong Tsino ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa na gaya ng Amerika at malaki ang nakatagong lakas at prospek ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Umaasa ani Xi na magbibigay ang USCBC at mga miyembro nito ng mas maraming ambag para sa relasyon at kooperasyon ng Tsina at Amerika.
Nang araw ring iyon, nagpadala naman si Pangulong Joseph Biden ng Amerika ng mensaheng pambati sa USCBC.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil