Bilang ng patay sa Gaza Strip, tumaas: tigil-putukan, pinag-usapan ng Qatar at Israel

2023-12-17 11:46:57  CMG
Share with:

Ini-ulat ng Al Jazeera, Disyembre 16, 2023, na ipinahayag sa Beirut, Lebanon ng opisyal ng Islamic Resistance Movement (Hamas), na mahigit 19 libong Palestinian na ang namatay dahil sa pagsalakay ng Israel sa Gaza Strip, samantalang mahigit 8 libong iba pa ang nawawala.


Kaugnay nito, mula Oktubre 7, 2023, nasa 300 Palestinian ang nasawi sa Kanlurang Pampang ng Ilog Jordan.


Sa kabilang dako, ibinalita ng mga media ng Amerika, na nag-usap Disyembre 16 ang mga opisyal ng Qatar at Israel tungkol sa muling pagpapanumbalik ng pagtigil-putukan sa pagitan ng Palestina at Israel, tigil-putukan sa Gaza Strip, at patuloy na pagpapalaya ng mga bihag.


Salin: Lito

Pulido: Rhio