Dayuhang organong pinansyal, optimistiko sa kabuhayang Tsino sa 2024

2023-12-17 11:48:51  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng mga dayuhang organong pinansyal ang kanilang ulat hinggil sa prospek ng makro-ekonomiya ng Tsina sa 2024.


Ayon sa mga ito, patuloy na darami ang pahunang dayuhan sa ekonomiyang Tsino, babangon ang konsumo, bubuti ang pagluluwas, lalabas ang mas maraming positibong senyal, at posibleng ibayo pang a-ahon ang makro-ekonomiya ng Tsina sa susunod na taon.


Inihayag ng UBS AG, na patuloy na lalaki ang kita ng mga Tsino sa 2024, at ito ay makakapagpasulong ng konsumo.


Sinabi naman ng J.P. Morgan Chase & Co, na patuloy na bubuti ang konsumong Tsino sa taong 2024.


Ayon sa Fidelity International, bumabangon ngayon ang kabuhayang Tsino, at lumilitaw ang bisa ng serye ng mga polisiyang isinagawa noong Hulyo ng kasalukuyang taon.


Matatag na lalaki ang makro-ekonomiya ng Tsina sa taong 2024, anito pa.

Inihayag naman ng Nomura ng Hapon, na may maraming pagkakataon ang paglaki ng kabuhayang Tsino, at kakaharapin ng urbanisasyon ang isang bagong pagsasa-ayos.


Ito ay magsisilbing isa sa mahahalagang growth point ng kabuhayang Tsino sa darating na ilang taon, dagdag ng Nomura.


Salin: Lito

Pulido: Rhio