Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo, Disyembre 15, 2023 kina Waleed Elkhereiji, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Saudi Arabia, at Ali Bagheri Kani, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, inihayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na palaging kinakatigan ng panig Tsino ang indipendiyenteng pagtahak ng mga mamamayan ng Gitnang Silangan sa landas ng pag-unlad.
Suportado ng Tsina ang pagkakaisa’t pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon upang malutas ang mga isyung panseguridad, at mapabuti ang relasyon ng Saudi Arabia at Iran, aniya pa.
Sina Waleed Elkhereiji at Ali Bagheri Kani ay kalahok sa Unang Pulong ng China-Saudi Arabia-Iran Trilateral Joint Committee.
Anila, winiwelkam at kinakatigan ng Saudi Arabia at Iran ang pagganap ng mas malaking papel ng Tsina sa mga usapin ng Gitnang Silangan, at nagpasalamat sila sa pagtataguyod ng Tsina sa nasabing pulong.
Salin: Lito
Pulido: Rhio