Cultural Connections & Career Paths Series, inilunsad ng mga estudyante ng PKUFSA

2023-12-17 16:10:20  CMG
Share with:


Poster ng Cultural Connections & Career Paths Series (CCCP)


Inilunsad Disyembre 16, 2023, sa Beijing, sa pamumuno ni Lara Chan at mga Pilipinong estudyante ng Peking University Filipino Student Association (PKUFSA), ang Cultural Connections & Career Paths Series (CCCP).


Magtatampok ang CCCP ng mga diyalogo sa potensyal na mga landas ng karera, mga pagkakataon sa hinaharap at mga mahahalagang kaalaman para sa mga estudyanteng Pilipino sa Tsina.  

Pagbibigay ng parangal para sa mga imbitadong tagapagsalita


Nilalayon nitong magbigay ng kaalaman at pananaw sa mga Pilipinong estudyante kung paano nila magagawang linangin ang kanilang natatanging posisyon bilang tulay sa pagitan ng Pilipinas at Tsina at tuklasin ang kanilang kahalagahan sa paghubog ng kinabukasan.

Lara Chan, Presidente ng Peking University Filipino Student Association (PKUFSA)


Ayon kay Chan, undergraduate student ng Materials Science at Engineering sa Peking University at Presidente ng PKUFSA, dahil ang Pilipinas at Tsina ay may matagal ng ugnayan at relasyon, binuo ang CCCP para ang mga Pilipinong mag-aaral sa Tsina ay lubos na maliwanagan, kung gaano karaming pagkakataon ang maaaring mahanap sa Tsina, at makipagpalitan sa buong mundo.


Diin niya na bilang isang dayuhan, marahil hindi maaabot at maipapakita ng Tsina kung paano maglayag sa bansa, maglayag sa iyong kinabukasan, kaya sinimulan ang mga serye ng CCCP.


Nais maging isang plataporma ang CCCP para sa mga Pilipinong nasa Tsina na maunawaan ang kultura, akademiko, lipunan at maunawaan ang natatanging posisyon nito para sa ikararangal ng Pilipinas at Tsina, dagdag niya.  

Pagbibigay ng talumpati at karanasan ni Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina


Sinimulan ang programa sa pambungad na pananalita ni Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina na kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga ilang karanasan habang siya ay ang nag-aaral pa sa Peking University at nagbahagi din ng mga ilang natatagong memorabilia.

Pagbibigay ng karanasan ni Prof. Anna Malindog-Uy


Si Prof. Anna Malindog-Uy, Direktor at Bise Presidente ng External Affairs ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), at kasalukuyang kumuha ng Ph.D. in Economics sa Peking University, ay nagbigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa kanyang paglalakbay tungkol sa modernong Tsina.


Nagbahagi din siya ng mga ilang impormasyon tungkol sa umuunlad na ekonomiya ng Tsina at mga payo na makakatulong sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipinong mag-aaral na dumalo sa pagtitipun-tipon.

Pagbibigay ng karanasan ni Benjamin Kang Lim


Si Benajmin Kang Lim, Global Affairs Correspondent ay nagbigay ng kanyang ilang karanasan tungkol sa pagiging isang reporter at kahalagahan ng pagbabalita, pati na rin ang kanyang ilang karanasan habang siya ay nag-aaral pa.


Nagbahagi din siya ng mga ilang payo tungkol sa mga landas ng karerang tatahakin ng mga Pilipinong estudyante na nag-aaral sa Tsina para sa hinaharap at ang kahalagahan ng pagtatrabaho sa Tsina.

Mga ilang Pilipinong nag-aaral sa Beijing


Sinabi ni Chan na ang pagkakabuo ng PKUFSA ay nagkataon lang na kaming lahat ay nagkita-kita sa pangangalap ng mga club, kahit man sa mga opisina kapag nagrerehistro, doon kami naging konektado at nakabuo ng isang group chat.


Mga ilang Pilipinong nag-aaral sa Beijing


Pero, hanggang sa ngayon hindi pa namin nahahanap ang lahat ng mga Pilipino sa Peking University at ang ideya sa pagbuo ng organisasyong ito ay tipunin ang lahat.


Nakita namin na kapag hiwa-hiwalay ang mga miyembro, ang mga kultura nito ay maaaring pagsama-samahin at bumuo ng isang pormal na pagkakakinlanlan at aktibong kikilalanin, kaya sinimulan namin ang asosasyong ito, dagdag niya.

Pagkakaroon ng group photo pagkatapos ng programa


Ninanais ng programa na ipagpatuloy ang mga serye ng CCCP upang mahikayat ang mga Pilipinong estudyante na mabigyan ng pagkakataon na umunlad dito sa Tsina at lalo pang umusbong ang relasyon ng dalawang bansa.


Ulat/Larawan: Ramil Santos

Patnugot: Lito