Xi Jinping, bumati sa bagong emir ng Kuwait

2023-12-18 15:49:33  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Disyembre 17, 2023 kay Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah bilang pagbati sa panunungkulan niya bilang bagong Emir ng Kuwait, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mabuting umuunlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.

 

Palagian at matatag din aniyang kumakatig sa isa’t-isa ang dalawang bansa hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kanilang nukleong kapakanan, lumalalim ang kooperasyon at pagpapalitan sa iba’t-ibang larangan, at bumubuti ang pagkakaibigan ng mga mamamayan.

 

Kasama ng bagong emir ng Kuwait, nakahandang magsikap si Xi upang maitaas ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio