Dati at kasalukuyang litrato ng nayong Xiaogang, probinsyang Anhui — nayong pinagmulan ng repormang pangkanayunan ng Tsina
Dati at kasalukuyang litrato ng lunsod Shenzhen, probinsyang Guangdong — lunsod na pinagmulan ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina
Idinaos, Disyembre 1978, ang Ika-13 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan tiniyak ang pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas.
Ito ang panimulang punto ng simoy ng Tagsibol na nagdala ng mga kagila-gilalas na istorya ng Tsina.
Bukod sa ikalawang pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, nai-ahon ng Tsina mula sa ganap na kahirapan ang ilaang daang milyong mahihirap na mamamayan, komprehensibong naitayo ang may kaginhawahang lipunan, may higit 70% contribution rate sa pagbabawas ng karalitaan ng daigdig, may mahigit 30% contribution rate sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at tagalikha ng modernisasyong Tsino.
Ano naman kaya ang naibibigay na kontribusyon sa mundo ng reporma at pagbubukas ng Tsina?
Bagong panulak sa kabuhayang pandaigdig, handog ng Tsina
Ruta ng “Belt and Road” na itinayo sa Qingdao port, probinsyang Shandong ng Tsina. Isang freighter ang lumisan patungo sa puwerto ng Chennai
Poster ng Ika-6 na China International Import Expo (CIIE) sa distritong Xuhui, Shanghai
Mga bisitang dumadalo sa eksbisyon ng mga natamong progreso ng kalakalang panserbisyo ng Tsina
Ang Tsina ay isang ekonomiyang may populasyong katumbas ng 1/5 ng populasyon ng daigdig.
Sa nakalipas na 45 taon, partikular nitong 10 taong nakaraan, lubos na naigarantiya ng Tsina ang lehitimong kapakanan at karapatan sa pag-unlad ng mga dayuhang kompanya, sa pamamagitan ng mga maginhawang patakaran.
Kaugnay nito, iniharap ng Tsina ang “Belt and Road” Initiative (BRI), na nagsusulong sa ugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng mga bansa’t rehiyon sa kabahaan nito.
Sa kasalukuyan, mahigit 150 bansa at mahigit 30 organisasyong pandaigdig ang lumagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng BRI.
Bunga nito, unti-unting bumubuti ang imprastruktura sa mga kaukulang bansa.
Bukod diyan, isinasagawa rin ng Tsina ang napakaraming multilateral na proyektong pangkooperasyon na sumasaklaw sa agrikultura, enerhiya, kultura, kalusugan, pinansiya, siyensiya’t teknolohiya, at iba pa.
Ang mga ito ay walang patid na naghahatid ng tunay na benepisyo sa mga mamamayan ng mga kaukulang bansa’t rehiyon.
Samantala, magkakasunod na itinaguyod ng Tsina ang China International Import Expo (CIIE), China International Consumer Products Expo (CICPE), China International Fair for Trade In Services (CIFTIS) at iba pang pandaigdigang eksbisyon upang pangalagaan ang multilateral na mekanismong pangkooperasyon, patatagin ang pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayan sa iba’t-ibang rehiyon at buong daigdig, at pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan at integrasyong panrehiyon.
Bagong landas sa pag-unlad ng modernisasyon ng sangkatauhan, nilikha
Nakangiting residente ng lunsod Jinggangshan, probinsyang Jiangxi
Sa loob ng tren sa Jakarta-Bandung High-Speed Railway
Pagsasa-operasyon ng China/Kunming-Laos/Vientiane Railway
Komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang pagsasakatuparan ng modernisasyon.
Sa pamamagitan ng reporma at pagbubukas sa labas, nilikha ng Tsina ang dalawang himala – ang napakabilis na pag-unlad ng kabuhayan at pangmagatalang katatagan ng lipunan.
Binuo rin nito ang napakasiglang sistema ng sosyalistang merkadong ekonomiya, itinatag ang sistemang pampulitika at pangkultura na angkop sa sistemang pangkabuhayan, at tinahak ang landas ng modernisasyong Tsino.
Pinalawak nito ang pagpipilian ng mga umuunlad na bansa tungo sa modernisasyon, at ipinagkaloob ang planong Tsino para sa paghahanap ng mas mabuting sistemang panlipunan.
Sa pamamagitan ng reporma at pagbubukas sa labas, tumatahak ang Tsina sa isang bagong landas ng modernisasyon na mas angkop sa kalagayang pang-estado ng bansa.
Ang Tsina ay nagkakaloob ng panibagong karanasan at pagpipilian sa malawak na bilang ng mga umuunlad na bansa at nasyong umaasang mapapabilis ang pag-unlad, habang pinapanatili ang sariling indipendiyensya.
Pagpapabuti ng pandaigdigang sistema ng pangangasiwa, pinasusulong ng Tsina
Sa pagtataguyod at pagpapasulong ng Tsina, nagkasundo, Marso 2023 ang Saudi Arabia at Iran na panumbalikin ang kanilang relasyong diplomatiko
Sa kasalukuyan, dumarami at bumibilis ang mga pagbabago sa daigdig, siglo, at kasaysayan; at walang tigil na lumulubha ang depisito ng kapayapaan, kaunlaran, kaligtasan, at pangangasiwa.
Ang kinabukasan at kapalaran ng buong sangkatauhan ay kasalukuyang nasa kruskalsada.
Sa pagtataguyod at pagpapasulong ng Tsina, nagkasundo, Marso 2023 ang Saudi Arabia at Iran na panumbalikin ang kanilang relasyong diplomatiko.
May mahalagang impluwensiya ang dalawang bansa sa Gitnang Silangan, at ang nasabing kasunduan ay makakatulong sa paglutas ng maiinit na isyu sa rehiyon – bagay na nagdadala ng pag-asa at karanasan para sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Sa harap ng napakalaking pagbabago, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang ideya ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Ito ang magbibigay ng direksyon ng pag-unlad sa daigdig sa hinaharap.
Bukod pa riyan, iniharap din ng pangulong Tsino ang tatlong mahahalagang inisyatibang kinabibilangan ng Global Development Initiative (GDI), Global Security Initiative (GSI), at Global Civilization Initiative (GCI).
Ipinapanawagan ng mga ito sa komunidad ng daigdig na palakasin ang pagkakaisa at pagtitiwalaan, ipauna ang kaunlaran, kapit-bisig na harapin ang mga hamon, pasulungin ang pagpapalitan ng iba’t-ibang sibilisasyon tungo sa pagpapasulong ng proseso ng modernisasyon ng sangkatauhan, at magkakasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Maraming beses na ipinagdiinan ni Xi na ibayong palalalimin ng Tsina ang pagbubukas, at komprehensibong pasusulungin ang modernisasyong Tsino sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad, at ipagkakaloob ang mas maraming bagong pagkakataon ng kaunlaran sa iba’t-ibang bansa.
Litrato ng Hong Kong–Zhuhai–Macao Bridge
“Ang reporma at pagbubukas sa labas ay ikalawang rebolusyon sa Tsina, hindi lamang malalimang nagpabago sa bansa, malaliman ding naka-apekto sa daigdig.”
Ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina ay tumutugma sa tunguhin ng siglo at pangangailangan ng daigdig sa pag-unlad.
Sa pamamagitan nito, isasakatuparan ng Tsina ang sariling kaunlaran at komong kaunlaran ng daigdig.
Sa hinaharap, ibayo pang palalalimin ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, upang malikha ang mas marami pang “istorya ng Tagsibol.”
May-akda / Salin: Lito
Patnugot: Jade
Pulido: Rhio