Espesyal na sugo ng pangulong Tsino, dumalo sa inagurasyon ng pangulo ng Madagascar

2023-12-18 15:57:36  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Andry Nirina Rajoelina ng Madagascar, dumalo Disyembre 16, 2023 si Hu Chunhua, Espesyal na sugo ng pangulong Tsino at Pangalawang Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), sa seremonya ng inagurasyon ng una bilang pangulo ng Madagascar, sa lunsod Antananarivo.

 

Sa pakikipagtagpo ni Rajoelina kay Hu, Disyembre 17, ipina-abot ni Hu sa pangulong Madagascar ang pagbati at pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Madagascar, at kasama ng Madagascar, nakahandang palakasin ng Tsina ang pagpapalitan at kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Hayag ni Hu, kailangang magtulungan at kumatig ang dalawang bansa isa’t-isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan.

 

Sinabi naman ni Rajoelina na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang tradinasyonal na pagkakaibigan sa Tsina, at kasama ng panig Tsino, handa ang panig Madagascar na palakasin ang kooperasyon sa mahahalagang larangan at itaas ang bilateral na relasyon sa bagong antas.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio