Magkasamang pinanguluhan kahapon, Disyembre 18, 2023 sa Beijing nina He Lifeng, Pangalawang Premyer Tsino, at kanyang counterpart na si Dmitry Chernyshenko ng Rusya, ang ika-27 pulong ng Komite ng Regular na Meeting ng Puno ng Pamahalaan ng dalawang bansa.
Tinukoy ni He na sa taong 2023, lumalalim ang pagpapalagayan ng dalawang bansa sa iba’t ibang antas at masagana ang kooperasyon ng kalakalan.
Sinabi ni He na kasama ng panig Ruso, nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang isakatuparan ang komong palagay ng pangulo ng dalawang bansa, balangkasin ang malalim na kooperasyon sa susunod na yugto, mabisang lutasin ang mga kahirapan at problema sa kooperasyon at likhain ang mas magandang kapaligirang pangkooperasyon.
Ipinahayag naman ni Chernyshenko na kasama ng panig Tsino, nakahanda ang kanyang bansa na panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan at pasulungin ang kanilang aktuwal na kooperasyon.
Sa pulong na ito, malalimang tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa kooperasyon ng kabuhayan, kalakalan, industriya, agrikultura, siyensiya, teknolohiya, komunikasyon at pinansiya.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil