CMG Komentaryo: Ang pagbubukas ng Tsina, makakabuti sa sarili at buong daigdig

2023-12-19 14:40:07  CMG
Share with:

 

Ang taong 2023 ay ika-45 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Hindi lamang pinapasulong nito ang malaking pag-unlad ng Tsina, kundi nagdudulot din ng pagkakataon para sa buong daigdig.

 

Isinasagawa ng Tsina ang mga patakaran ng pagbubukas at nagdudulot ng masaganang benepisyo sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa.

 

Halimbawa, itinatag ng Tsina ang 22 malayang sonang pangkalakalan, binawasan ang negatibong listahan ng dayuhang pamumuhunan, at isinapubliko ang batas hinggil sa pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal.

 

Ang pagsasagawa ng Tsina ng pagbubukas sa labas ay nakakatulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ayon sa pagtaya ng International Monetary Fund (IMF), ang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa daigdig, sa taong 2023 ay patuloy na tataas sa 30%. Ibig-sabihin, ang kabuhayang Tsino ay patuloy na magiging mahalagang puwersa ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Nagdudulot din ang kabuhayang Tsino ng pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa. Ayon sa isang imbestigasyon na isinagawa ng China Council for the Promotion of International Trade, mahigit 90% ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina ay optimistiko sa kanilang negosyo sa Tsina sa loob ng darating na limang taon.

 

Bukod dito, ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay nagpapasulong rin ng pag-unlad ng green economy at digital economy sa buong daigdig, gaya ng electric passenger vehicles, lithium batteries, at solar cells ng Tsina na mabiling mabili sa pamilihang pandaigdig.

 

Aktibong isinasagawa ng Tsina ang kooperasyon ng digital technology sa ibang mga bansa sa mga larangang gaya ng serbisyong medikal, transportasyon ng mga paninda at pangangalaga sa kapaligiran.

 

Sa proseso ng pagbubukas sa labas, palagiang iginigiit ng Tsina ang prinsipyong may mutuwal na kapakinabangan at pagbabahaginan ng pagkakataon sa buong daigdig.

 

Sa hinaharap, ibayo pang pasusulungin ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil