Xi Jinping at Mikhail Mishustin, nagtagpo

2023-12-20 13:54:45  CMG
Share with:

Nagtagpo kaninang umaga, Disyembre 20, 2023 sa Beijing sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Mikhail Mishustin, Punong Ministro ng Rusya na dumalo sa ika-28 regular na pulong ng puno ng pamahalaan ng Tsina at Rusya na idinaos kahapon sa Beijing.

 

Tinukoy ni Xi na ang pangangalaga at pagpapasulong ng relasyong Sino-Ruso ay estratehikong pagpili ng dalawang bansa batay sa pundamental na kapakanan ng kanilang mga mamamayan.

 

Idiniin ni Xi na matatag na pinapasulong ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad at pagbubukas sa labas para ipagkaloob ang bagong pagkakataon sa pag-unlad ng iba’t ibang bansa na gaya ng Rusya.

 

Saad pa ni Xi na dapat palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, enerhiya, at interactivity, magkasamang pangalagaan ang katatagan at seguridad ng kadena ng pagsuplay at industriya, isagawa ang mayamang pagpapalitan ng kultura at tao-sa-tao.

 

Ipinahayag naman ni Mishustin na ikinagagalak ng panig Ruso ang pag-unlad ng aktuwal na kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang Rusya na ibayo pang palawakin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, enerhiya, at interactivity at maayos na idaos ang mga aktibidad ng taon ng pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa sa taong 2024, dagdag pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil