CMG Komentaryo: Britanya, dapat itigil ang iligal na pagkasira sa lehitimong kapakanan ng bahay-kalakal ng Tsina

2023-12-20 08:12:36  CMG
Share with:

Iniulat kamakailan ng Financial Times na inalis ng National Grid plc ng UK ang mga kagamitan na ipinagkaloob ng bahay-kalakal ng Tsina dahil sa di-umano’y seguridad.

 

Ayon sa nabanggit na ulat, tinalakay minsan ng National Grid plc at naturang bahay-kalakal ng Tsina ang isyu ng seguridad ng network at isinagawa ang pagsusuri sa mga pasilidad, pero walang anumang nakatagong problema ang natuklasan.

 

Hanggang sa ngayon, hindi pa isinisiwalat ng National Grid plc ng UK ang aktuwal na dahilan sa paghinto ng kooperasyon sa bahay-kalakal ng Tsina.

 

Ang nabanggit na insidenteng ito ay hindi iisang kaso ng pagkasira ng Britanya sa lehitimong kapakanan ng bahay-kalakal ng Tsina.

 

Nitong ilang taong nakalipas, bilang kaalyadong bansa ng Amerika, palagiang sumusunod ang Britanya sa patakaran ng Amerika para bigyang-dagok ang mga bahay-kalakal ng Tsina, lalong lalo na ang mga hi-tech na kompanyang Tsino.

 

Halimbawa, noong Hulyo ng taong 2000, isinagawa ng Britanya ang limitasyon sa mga pasilidad ng 5G at serbisyo ng Huawei.

 

Noong Hulyo ng taong 2022 naman, ipinagbawal ng Britanya ang pagbili ng isang bahay-kalakal ng Tsina ng mga intellectual property rights na may kinalaman sa teknolohiya ng vision sensing.

 

Nangangahulugan lang na ang kapasiyahan ng National Grid plc ng UK ay hindi isinaalang-alang ang aktuwal na kalagayang panloob ng bansang ito.

 

Sa kasalukuyan, kinahaharap ng Britanya ang malaking presyur ng enerhiya na dulot ng sagupaan ng Ukraine at Rusya, at walang humpay na tumataas ang gastusin ng pamilya ng Britanya sa enerhiya.

 

Kaya kinakailangan ng pamahalaan ng Britanya ang pagpapataas ng kakayahan ng network ng kuryente at pasulungin ang pag-unlad ng clean energy sa bansang ito.

 

Sa katotohanan, ang nabanggit na bahay-kalakal ng Tsina ay nagsusulong ng teknolohiya para sa clean energy at industrial control, at ang kapasiyahan ng Britanya ay hindi alinsunod sa prinsipyo ng pamilihan, pero sa isyu ng pagsasapulitika.

 

Ibig-sabihin, ang kapasiyahan ng National Grid plc ng UK ay malubhang makakaapekto sa proseso ng pagbabago ng estruktura ng enerhiya ng Britanya at magpapataw ng mas maraming pasanin sa pamumuhay ng mga mamamayan ng bansang ito.

 

Sa kabilang dako, maaapektuhan ng kapasiyahan ng Britanya ang kompiyansa ng mga malalaking kompanya sa pagbubukas, pagkakapantay-pantay at walang diskriminasyon sa pamilihan ng Britanya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil