CEWC, malaking tulong sa direksyon ng pag-unlad ng puhunang Pilipino sa Tsina

2023-12-21 16:13:18  CMG
Share with:

Sa eksklusibong panayam sa China Media Group – Filipino Service, sinabi ni Luz Lopez, May-ari at Tagapagtatag ng Hunan Samar China Philippines Cultural Tourism Development Co. Ltd., na sinusubaybayan ng kanyang kompanya ang  pagdaraos ng Central Economic Work Conference (CEWC), dahil ito’y mahalagang  bintana para maunawaan ang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Luz Lopez


“Bilang isang dayuhang kompanya sa Tsina, lubos naming binabantayan ang CEWC dahil hatid nito ang mahalagang pagkakataon upang malaman ang mga patakarang pang-ekonomiya at direksyon ng pag-unlad ng Tsina,” saad niya.


Ang CEWC ay isang taunang komprehensibong pagsusuri sa ekonomikong gawain ng Tsina sa kasalukuyang taon at naglalahad ng mga plano para sa susunod na taon.


Hinggil dito, sinabi ni Lopez, na para sa isang dayuhang kompanyang tulad ng Hunan Samar China Philippines Cultural Tourism Development Co. Ltd., ang CEWC ay nagtatakda ng pokus at direksyon ng kanilang trabaho sa susunod na taon, at nakakatulong sa pagbibigay ng patnubay sa positibong pag-unlad ng mga dayuhang negosyo sa bansa.


Kaugnay naman ng isa sa mga trending na salita sa Tsina na “bagong kalidad ng produktibidad,” sinabi niyang ang konseptong ito ay tumatahak sa direksyong, mula sa tradisyonal na agrikultura at industriya, patungo sa transisyon sa estratehikong bagong uri ng industriya at panghinaharap na industriya.

 

Ito ay nagpapahalaga sa mataas na kalidad ng pag-unlad at mataas na kalidad na pagpapaunlad, saad pa niya.

 

Ani Lopez, ang aming kompanya ay nakatuon din sa malalim na pagpapaliwanag ng “bagong kalidad ng produktibidad.”

 

Sa pamamagitan ng pag-unawa nito, maaari kaming magkaroon ng matatag na industriya, higit naming mapapalakas ang kakayahan ng kompanya, mapapabilis ang pagbabago at pag-unlad mula sa tradisyunal na pamamaraan, mapapatatag ang planong panghinaharap, at susulong kami tungo sa modernisadong sistemang may sariling katangian.

 

Kampante siyang agad mararamdaman ang epekto ng konseptong ito, at malaking benepisyo ang idudulot nito sa kanilang kompanya.

 

Samantala, ang katagang "Mataas na Lebel na Pagpapalawak ng Pagbubukas sa Labas" ay isa sa siyam na pangunahing gawain ng Tsina sa 2024.

 

Hinggil dito, sinabi niyang ang "Mataas na Lebel na Pagpapalawak ng Pagbubukas sa Labas" ay malinaw na nagpapahiwatig ng mas mabuting patakaran ng Tsina tungkol sa pakikitungo sa mga dayuhang puhunan at mga dumadayo sa Tsina.

 

Ipinakikita rin aniya nito ang mas mataas na antas ng pakikitungo sa ibang bansa, at mahalagang senyal ng pagbubukas ng ekonomiya ng Tsina.

 

Dahil dito, magkakaroon kami ng mas maraming pagkakataon para makipagkooperasyon sa ibang bansa, at maipapa-alam namin sa mas marami pang Pilipino ang mga oportunidad na alok ng Tsina para sa pag-aaral, turismo, at grupong pagbisita, aniya.

 

Dahil sa patakarang ito, madadala rin aniya nila sa merkadong Tsino ang mas maraming dekalidad na produktong mula sa Pilipinas.

 

Kahit maliit aming kakayahan, ihahatid namin sa mga Pilipino ang kaalaman tungkol sa Tsina, saad niya.

 

Sa tingin ni Lopez, ang ganitong uri ng patakaran ay nagsisilbing pagkakataon para sa mga dayuhang puhunan upang mas lalong mapabilang sa isang malaking pamilya, kung saan may pagtutulungan, may pagbabahaginan ng kaalaman, at may sama-samang pag-unlad.

 

Kami ay magsisipag, at mag-iipon ng mas maraming karanasan, at makikipag-ugnayan sa mas marami pang kompanyang Pilipino at Tsino upang mapabuti ang papalitan ng dalawang bansa, sabi pa niya.

 

Ang Hunan Samar China Philippines Cultural Tourism Development Company Limited ay kompanyang Pilipinong nakabase sa lunsod Changsha, lalawigang Hunan, dakong timog ng Tsina.

 

Ito ay pag-aari ng mag-asawang sina Luz Lopez (Filipino) at Ye Ke/叶珂 (Tsino).

 


Nakatuon ang kompanya sa pagbuo ng plataporma para sa kultural na turismo at pagpapalitan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, sa pamamagitan ng iba't-ibang anyo ng aktibidad tulad ng paglalakbay, pagtatanghal pangkultura, at mga pagtitipong pang-akademiya.

 

Kabilang sa mga pangunahing negosyo ng kompanya ay pagbuo ng mga produktong panturismo, pag-oorganisa ng mga biyahe sa Pilipinas, at pagpapalaganap ng mga pang-ekonomiya at pangkalakalang aktibidad.

 

Ulat: Rhio Zablan

Patnugot: Lito

Patnugot sa website: Sarah