MOFA: Patuloy na palalawakin ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas

2023-12-22 13:31:57  CMG
Share with:

Tinaya kamakailan ni Steven Barnett, Punong Kinatawan ng International Monetary Fund sa Tsina, na aabot sa sangkatlo ang contribution rate ng kabuhayang Tsino sa kabuhayang pandaigdig at mananatili ang paglaki nito sa taong 2024.


Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Disyembre 21, 2023 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na patuloy na palalawakin ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at babahaginan sa buong daigdig ang pagkakataon ng pag-unlad ng bansa.


Ipinahayag ni Wang na hindi binabago ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang Tsino at prospek ng pangmatagalang paglaki nito.


Saad pa ni Wang na walang humpay na pabubutihin ng Tsina ang kapaligiran ng negosyo, pahihigpitin ang pangangalaga sa intellectual property rights at lilikhain ang bagong kapaligiran ng pagbubukas at inobasyon na may pandaigdigang kakayahang kompetetibo.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil