Matagumpay na isinagawa kahapon, Disyembre 21, 2023 ng Shenzhou-17 crew ang unang extravehicular activity.
Ayon sa pahayag ng China Manned Space Agency, tumagal nang 7.5 oras ang nabanggit na aktibidad at ipinatupad ng mga taikonaut ng Shenzhou-17 ang itinakdang gawain na gaya ng pagkukumpuni ng solar panels ng core module ng space station.
Ayon sa plano, isasagawa pa rin ng Shenzhou-17 crew ang mga siyentipikong pananaliksik, pagsubok ng teknolohiya at extravehicular activity.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil