Sa pamamagitan ng 13 sang-ayong boto, at 2 abstinang boto mula sa Rusya at Amerika, pinagtibay Disyembre 22, 2023, ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang 2720, na humihiling para sa agaran, ligtas, at walang obstruksyong direktang pagkakaloob ng malaking saklaw na makataong tulong sa mga sibilyang Palestino sa buong Gaza Strip.
Bago ang botohan, iniharap ng Rusya ang isang mosyon sa pagpapanatili ng resolusyon na humihiling para sa pangkagipitang pagtigil ng mga ostilong aksyon sa pagitan ng Israel at Hamas pero, bineto ito ng Amerika.
Matapos ang botohan, ipinahayag ni Dai Bing, Charge d'affaires ng pirmihang delegasyong Tsino sa UN, ang mainit na pagtanggap sa resolusyon bilang 2720.
Aniya, ang pinakamahalaga ngayon ay pagsasakatuparan ng tigil-putukan.
Kasama ng iba pang mga kasapi ng UNSC, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na isulong ang pagsasagawa ng responsable at makabuluhang aksyon upang gumawa ng walang patid na pagsisikap sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan sa Gaza Strip, totohanang pagpapatupad ng “Two-State Solution,” at pagsasakatuparan ng kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan, diin ni Dai.
Salin: Lito
Pulido: Rhio