Libro ni Xi sa BRI, isinapubliko

2023-12-25 14:52:41  CMG
Share with:

Isinapubliko, Disyembre 24, 2023 ng Central Party Literature Press ang librong pinamagatang “Xi Jinping on the Belt and Road Initiative (BRI) 2023 Edition.”

 

Nakapaloob dito ang 78 artikulo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa kooperasyon ng BRI mula Setyembre ng 2013 hanggang Nobyembre 2023.

 

Tampok ng BRI ang komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa para sa kapayapaan at kaunlaran, at nagkakaloob ng plano sa daigdig hinggil sa komong kasaganaan at kaunlaran.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio