MOFA: Dapat aktuwal na isakatuparan ang resolusyon ng UNSC hinggil sa isyu ng humanitaryan ng Gaza

2023-12-26 14:52:54  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng resolusyon bilang 2720 ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng humanitaryan ng Gaza, ipinahayag kahapon, Disyembre 25, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na umaasa ang panig Tsino na aktuwal na isasakatuparan ang resolusyon, agarang palawakin ang makataong tulong at itatatag ang mekanismo ng pagsusuperbisa.

 

Ani Mao, ang pangunahing kondisyon para rito ay pagsasakatuparan ng tigil-putukan.

 

Saad pa ni Mao na patuloy na pahihigpitin ng panig Tsino ang pagkokoordinahan sa iba’t ibang panig, at pasusulungin ang paggamit ng UNSC ng ibayo pang responsable at makabuluhang aksyon para isakatuparan ang tigil-putukan sa Gaza Strip at aktuwal na ipatupad ang “two-state solution” sa lalong madaling panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil