Ngayong araw, Disyembre 26, 2023 ay ika-130 anibersaryo ng pagkasilang ni Mao Zedong, tagapagtatag ng Republika ng Bayan ng Tsina at dating lider ng bansa.
48 taon na ang nakararaan, magkatugma sa pangkalahatang tunguhin ang mga dating lider ng Tsina at Pilipinas na magkasamang gumawa ng historikal na kapasiyahang maitatag ang relasyong diplomatiko ng kapuwa bansa.
Noong taong 1974, bilang espesyal na sugo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dumalaw sa Tsina ang dating Unang Ginang na si Imelda Marcos, kasama ang noon’y bata pang si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Matapat at mainit naman silang tinanggap ng mga Tsinong lider na sina Mao Zedong at Zhou Enlai.
Sa pagkikitang ito, nag-hand-kissing si Mao kay Imelda Marcos na siya naging unang dayuhang babaeng ini-hand-kissing ni Mao sa kasaysayan ng bagong Tsina.
Litrato nila Mao Zedong, Imelda Marcos, at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Bukod pa riyan, nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), binanggit ni Marcos Jr. ang isang istorya ng nasabing pagkikita.
Sinabi niya na napakalinaw niyang naaalala na napakabait si Mao. Gusto aniyang alalahanin ng kanyang ina ang pagkikitang ito.
“Dahil umubo sa kanilang pagkikita si Mao habang siya ay nagsasalita, binigyan ng aking ina ng kanyang gamot si Mao. Ipinaalala ko sa ina na huwag magbigay ng gamot kay Mao, dahil posibleng gumagamit siya ng ibang gamot, at di bagay ang gamot mo. Pero ininum ni Mao ang ibinigay na gamot ng ina at ipinaabot ang kanyang lubos na pasasalamat sa aking ina. Napakabait ni Mao. Hindi kailanma’y makakalimutan ang pagkikitang ito,” kuwento ni Marcos Jr.
Noong taong 1975, nagtungo sa Tsina si Pangulong Marcos Sr. at pormal na itinatag ang relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina.
Ito ang simula ng bagong historikal na kabanata sa ugnayan ng dalawang bansa.
Sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, maalwan sa kabuuan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ang kapuwa panig, at walang patid na lumalawak ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.
Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isinasagawa mula Enero 1 hanggang 5, 2023, ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dalaw-pang-estado sa Tsina.
Si Marcos Jr. ay ang unang dayuhang pangulong tinganggap ng Tsina sa taong 2023.
Ito rin ang unang pagdalaw ni Marcos Jr. sa Tsina bilang pangulo, at kanyang unang opisyal na pagdalaw sa isang bansang di-miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Pinapakita lamang ng pagdalaw na ito ang lubos na pagpapahalaga ng dalawang bansa sa kanilang bilateral na relasyon.
Sa panahon ng pananatili sa Tsina, magtatagpo sina Pangulong Marcos Jr. at Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pag-usapan ang mahahalagang isyung gaya ng bilateral na relasyon at iba pang mga isyung panrehiyon at pandaigdig, upang magkasamang pagplanuhan at bigyang-patnubay ang pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa sa hinaharap.
May matandang kasabihang Tsino, “Ang tunay na kaibigan ay kasing-halaga ng ginto.”
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., nananatiling pangunahing tunguhin ang aktuwal na kooperasyong Pilipino-Sino. Malulutas aniya ang anumang alitan ng kapuwa bansa.
Posibleng lumitaw ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kaibigan, pero pinakamahalaga ang paghanap ng kalutasan sa mga ito at kapit-bisig na susulong para sa mas matibay na pagkakaibigan, saad niya.
Sa pundasyon ng relasyong Sino-Pilipino na magkasamang nailikha ng dating henerasyon ng mga lider ng kapuwa bansa, nananalig na ipagpapatuloy ng Tsina at Pilipinas ang mas maraming istorya ng pagkakaibigan at kapit-bisig na makakalikha ng bagong “ginintuang siglo” ng pagkakaibigang Sino-Pilipino.
May-akda / Salin: Lito
Pulido: Ramil