CMG Komentaryo: Ang pagtatayo ng pabrika sa Amerika, mahirap talaga

2023-12-26 13:28:44  CMG
Share with:

Kamakailan, ipinahayag ng Panasonic ng Hapon na itinakwil nito ang planong pagtatayo ng pabrika ng baterya sa Oklahoma State ng Amerika na naglalayong magprodyus ng baterya para sa Tesla.

 

Bukod dito, noong nagdaang Enero ng taong 2023, pangmatagalang isinaisang-tabi ng Lucky Goldstars (LG) ng Timog Korea kasama ng General Motors ng Amerika ang plano ng pagtatayo ng pabrika ng baterya sa Amerika. Noong nagdaang Hulyo, ipinatalastas ng Taiwan Semiconductor Manufacturing Company Limited (TSMC) na ipagpapalugit ang oras ng pagsisimula ng prodyus hanggang 2025, dahil sa kakulangan ng mga mahuhusay na manggagawa.

 

Kahit isinapubliko ng pamahalaang Amerikano ang isang serye ng mga patakaran para hikayatin ang pamumuhunan at pagtatayo ng pabrika ng mga dayuhang bahay-kalakal sa bansa, magkahiwalay na itinakwil ng mga sikat na transnasyonal na bahay-kalakal ang plano ng pagtatayo ng pabrika sa Amerika sa taong 2023.

 

Sa kasalukuyan, malaki ang gastusin ng pagtatayo ng pabrika sa Amerika.

 

Una, umaasa ang Amerika sa pag-aangkat ng raw materials para sa pagpoprodyus at pagpoproseso ng baterya.

 

Ikalawa, mahal ang presyo ng mga elemento na gaya ng enerhiya, lupa at manggagawa.

 

Ikatlo, kulang ang mga mahuhusay na manggagawa sa industriya ng pagmamanupaktura.

 

Kahit isinapubliko ng pamahalaang Amerikano ang mga patakaran para lutasin ang nabanggit na mga isyu, hindi natamo nito ang inaasahang bunga, dahil hindi tuluy-tuloy ang pagsasakatuparan ng mga patakaran sa industriya, at ang industriyang pinansiyal ay nasa labis na malaking bahagi ng istrukturang pangkabuhayan ng Amerika.

 

Sa kabilang dako naman, hindi masyadong malaki ang pamilihan ng konsumo para sa mga electric vehicle. Noong ika-3 kuwarter ng taong 2023, ang bolyum ng pagbebenta ng mga electric vehicle ay katumbas ng 7.9% ng kabuuang bolyum ng pagbebenta ng mga kotse ng Amerika.

 

Samantala, kulang sa mga imprastruktura ang Amerika para sa mga electric vehicle na gaya ng public charging station.

 

Sa pananaw ng macro-economy, malaki ang national bond ng Amerika at mataas ang inflation rate ng bansa, ito ay nagpapahupa ng prospek ng mga dayuhang bahay-kalakal sa pamilihang Amerikano.

 

Bukod dito, ang mga patakaran ng Amerika sa pagpapasulong ng industriya ay isinasapulitika, ibig-sabihin, pinapataw ng Amerika ang presyur sa mga dayuhang bahay-kalakal para putulin ang kanilang ugnayan ng negosyo sa Tsina, ito ay hindi lamang nakakapinsala sa kanilang lehimitong kapakanan, kundi nagpapahupa ng kanilang hangarin sa pamumuhunan at pagnenegosyo sa Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil