MOFA, inulit ang paninindigang Tsino sa isyu ng SCS

2023-12-26 16:24:16  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng diyalogo ng Tsina at Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS) at nakatagong panganib hinggil sa posibleng pagganap ng sagupaan ng dalawang bansa sa dagat, ipinahayag kahapon, Disyembre 25, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na matatag at di-nagbabago ang determinasyon ng panig Tsino sa pangangalaga sa soberanya, teritoryo at karapatang pandagat.

 

Sinabi ni Mao na kamakailan, madalas na isinasagawa ng Pilipinas ang probokasyon sa Tsina sa pamamagitan ng mga isyu na gaya ng Ren’ai Jiao, at ginagamit ang mga puwersang labas sa rehiyong ito para makialam sa isyu ng SCS, kaya sapilitang ginamit ng panig Tsino ang mga katugong hakbangin.

 

Inulit ni Mao na palagiang bukas ang pinto ng Tsina sa diyalogo at kasama ng Pilipinas, nakahanda ang Tsina na maayos na lutasin ang mga isyung pandagat sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.

 

Hinimok ni Mao ang panig Pilipino na itigil ang probokasyon sa isyu ng SCS at bumalik sa tamang landas.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil