CMG-Komentaryo: Dalubhasang Pilipino: Ang Tsina ang tanging bansang tunay na makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayang Pilipino

2023-12-27 15:04:27  CMG
Share with:

 

Kamakailan ay madalas na isinasagawa ng Pilipinas ang mga probokasyon hinggil sa isyu ng South China Sea at dinudungisan ang imahe ng Tsina.

 

Kaugnay nito, ipinalalagay ni Herman Laurel, Presidente ng Asian Century Strategic Studies Institute at political analyst ng Pilipinas, na ang pinakamahalagang isyu na pinapansin ng mga mamamayang Pilipino ay kabuhayan sa halip na hidwaan sa SCS, at ang Tsina ay ang tanging bansang tunay na makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayang Pilipino sa hinaharap.

 

Ayon sa sarbey ng Pulse Asia noong nagdaang Setyembre, 7% ng mga respondenteng Pilipino ay sumusubaybay sa hidwaan sa SCS, samantalang 93% naman ang nababahala sa mga isyung gaya ng mataas na presyo ng paninda, implasyon, hanap-buhay, at lumalalang kalagyan ng krimen.

 

Ani Laurel, ang Tsina ang pinakamalaking trade partner ng ASEAN at Pilipinas.

 

Ang kabuhayang Tsino ay mahalagang puwersa ng pagbangon sa kabuhayang pandaigdig, lalong lalo na pagkatapos ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dagdag niya.

 

Kaugnay ng kasalukuyang hidwaan ng Pilipinas at Tsina sa SCS, ipinahayag ni Laurel na ang kasalukuyang probokasyon ay sadyang isinasagawa ng Philippine Coast Guard at mga mangingisdang Pilipino, dahil sa pagkatig mula sa di-umanoy Project Myoushu ng Amerika.

 

Layon nitong isulong ang tensyonadong kalagayan sa SCS, lalong lalo na sa mga pinagtatalunang lugar, at pasulungin ang hidwaan ng Tsina at Pilipinas patungo sa direksyon ng sagupaan at digmaan.

 

Kaya ipinahayag ni Laurel na kung ititigil ng Amerika ang pagsira sa relasyong Pilipino-Sino, magiging mas maganda ang kinabukasan ng mga mamamayang Pilipino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio