Idinaos, Disyembre 26, 2023 sa Beijing ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang simposiyum bilang paggunita sa ika-130 anibersaryo ng kapanganakan ni Kasamang Mao Zedong.
Si Mao ay ang pangunahing tagapagtatag ng People’s Republic of China, tagapagsimula ng Marsismo sa Tsina at tagapagsulong ng sosyalistang modernisasyon ng Tsina.
Kaya naman hindi siya malilimutan ng mga mamamayang Tsino.
Sa kanyang kaarawan, idianos sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang mga aktibidad.
Sa nabanggit na simposiyum, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pinakamagandang paraan ng paggunita kay Mao ay patuloy na pagpapasulong sa pagbangon ng Nasyong Tsino na sinimulan ni Mao sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.
Ang modersanisyong Tsino ay bunga ng pag-unlad ng sosyalismong may katangiang Tsino, at si Mao ay nagbigay ng malaking ambag para rito.
Sinabi ni Xi, na si Mao ay tagapagtatag ng modernong sosyalistang sistema, at ipinakikita nitong ang modernisasyon ay hindi katumbas ng pagsunod sa mga kanluraning bansa.
Bukod dito, iniharap din ni Mao ang prinsipyong “pagsisilbi sa mga mamamayan,” at ito’y naging layon ng CPC at obligasyon ng mga tagapagserbisyo ng pamahalaang Tsino at bawat miyembro ng CPC.
Tinukoy ni Xi na ang modernisasyong Tsino ay usapin ng buong sambayanang Tsino at dapat maayos na pangalagaan at payamanin ang kapakanan ng mga mamamayang Tsino.
Kaya dapat aniyang gunitain si Kasamang Mao.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio