Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina: Hindi magbubulag-bulagan sa probokasyon ng Pilipinas

2023-12-29 14:34:26  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Disyembre 28, 2023 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na hindi magbubulag-bulagan ang panig Tsino sa paulit-ulit na probokasyon at panliligalig ng Pilipinas sa South China Sea.


Ito ay bilang tugon sa pananalita ng panig Pilipino sa pag-atake ng Coast Guard ng Tsina sa mga bapor ng Pilpinas sa paligid ng Ren’ai Jiao.


Ani Wu, hindi totoo ang mga sinabi ng panig Pilipino tungkol sa mga pangyayari sa South China Sea. Aniya, sa kabila ng mga babala ng panig Tsino, paulit-ulit na ipinadala ng panig Pilipino ang mga sasakyang pandagat upang pumasok sa karagatan sa paligid ng Ren'ai Jiao ng Tsina at bumangga sa bapor ng Coast Guard ng Tsina.


Ang naturang mga aksyon ng Pilipinas ay napakapanganib at isinagawa ng Coast Guard ng Tsina ang mga katugong hakbangin batay sa batas, dagdag ni Wu.


Tinukoy pa ni Wu na palagiang nagsisikap ang panig Tsino para lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian at magkasamang pangalagaan ang katatagan ng pandagat.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil