Tsina, isinapubliko ang regulasyon sa pagpapadala at paghahatid ng mga puwersang militar

2023-12-29 14:41:39  CMG
Share with:

Nilagdaan ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina, ang kautusan para isapubliko ang regulasyon sa pagpapadala at paghahatid ng mga puwersang militar kung saan ito ay magkakabisa sa Enero 1, 2024.


Ayon sa pahayag ng panig militar ng Tsina kahapon, Disyembre 28, 2023, nilalayon ng regulasyong ito ang pagsasaayos ng pagpapadala at paghahatid ng mga puwersang militar, pagpapaliwanag ng mga responsibilidad at tungkulin, kabilang na ang relasyon sa mga paggawa, at pangangasiwa sa mekanismo ng operasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil