Pangulong Tsino’t Ruso, nagpadala ng mensaheng pambagong taon sa isa’t-isa

2023-12-31 18:44:08  CMG
Share with:

Ipinadala Disyembre 31, 2023 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambagong taon sa isa’t-isa.


Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang taos-pusong pagbati kay Putin at mga mamamayang Ruso.


Tinukoy ni Xi na sa harap ng maligalig na situwasyong panrehiyon at pandaigdig sa 2023, napapanatili ng relasyong Sino-Ruso ang malusog at matatag na pag-unlad, at ito’y sumusulong sa tamang direksyon.


Kasama ni Putin, sinabi ni Xi, na handang niyang panatilihin ang malapit na pakikipagpalitan kay Putin upang ipagpatuloy ang pagkakaibigan at pagsulong ng relasyong Sino-Ruso sa tamang landas.


Inihayag din ni Putin ang Manigong Bagong Taong pagbati kay Xi at mga mamamayang Tsino.


Nananalig aniya siyang sa magkasamang pagsisikap, matatamo ng kooperasyong Ruso-Sino sa iba’t-ibang larangan ang mas maraming bunga.


Salin: Lito

Pulido: Rhio