Ang taong 2023 ika-45 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang Tsina ay nagsisilbing pangunahing puwersang nakakapagpatatag at nakakapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay nito, ang napakalaking pagbabago sa pananamit ng mga Tsino ay nagsisilbing paliwanag sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.
Mula sa pangkaraniwang kulay tungo sa makukulay na damit
Bago ang reporma at pagbubukas sa labas, may pangkaraniwan lamang ang kulay ng damit ng mga Tsino, gaya ng berde, asul, itim, at abuhin.
Sa ngayon, ang kanilang mga damit ay nagpapakita ng indibiduwal na karakter at pang-akit. Napakapopular ngayon sa mga kabataan at pandaigdigang sirkulong pangmoda ang mga damit na may elementong Tsino.
Noong taong 1973, bago isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, pangkaraniwang kulay ang damit ng mga manggagawa sa lunsod Datong, probinsyang Shanxi ng Tsina
Sa ngayon, makukulay ang damit ng mga kabataan sa lunsod Dongguan, probinsyang Guangdong ng Tsina
Madalas na nakikita sa international fashion show ang mga damit na may estilong Tsino
Noong Agosto 1980, nagpapakuha ng litrato ang isang bagong-kasal
Sa ngayon, bagong uso ang pagpapakuha ng litrato sa Imperial Palace watchtower sa Beijing
Tunguhin ng industriya ng pananamit: Kombinasyon ng siyensiya’t teknolohiya at moda
Mula 2020 hanggang 2022, lumampas sa 300 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga telang Tsino.
Ito ay nakapagbigay ng mahigit 50% contribution rate sa kabuuang halaga ng pagluluwas ng tela sa buong mundo.
Kasalukuyang umuunlad ang industriya ng tela ng Tsina tungo sa direksyong pansiyensiya’t panteknolohiya, pang-uso, at luntiang pag-unlad.
Isang pabrika ng tela sa Beijing noong 1985
Noong 2022, intelehenteng linya ng produksyon ng isang pabrika ng tela sa lunsod Nantong, probinsyang Jiangsu
2022 London Fashion Week, tatak na gawa ng isang batang Tsino
Salin: Lito
Pulido: Rhio