CMG Komentaryo: Aktibidad para sa Ika-60 anibersaryo ng pagpapadala ng kauna-unahang internasyonal na grupong medikal ng Tsina, idinaos

2023-12-31 15:57:14  CMG
Share with:

Kinatagpo kamakailan sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga kinatawang dumalo sa aktibidad kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng pagpapadala ng kauna-unahang internasyonal na grupong medikal ng Tsina.

 

Lubos na kinumpirma ng liderato ng Tsina ang mga bungang natamo ng nasabing internasyonal na grupo, at ini-enkorahe ang mga kinatawan na magbigay ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan.

 

Ang Tsina ang tanging bansa sa buong daigdig na pangmatagalan at tuluy-tuloy na nagpapadala ng internasyonal na grupong medikal sa mga umuunlad na bansa.

 

Nitong nakaraang 60 taon, 30 libong person time na miyembro ng internasyonal na grupong medikal ang naipadala ng Tsina.

 

Tumulong din ang bansa sa pagtatatag ng mahigit 130 pasilidad-medikal, at ginamot ang halos 300 milyong pasyente.

 

Nitong 10 taong nakalipas, inilahad ng Tsina ang ideya ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng buong sangkatauhan.

 

Sa kasalukuyan, malakas na pinapasulong ng Tsina ang modernisasyong Tsino at bilang pinakamalaking umuunlad na bansa, nagsisikap din ito para sa sariling pag-unlad, palagiang tumutulong sa mga umuunlad na bansa na isakatuparan ang modernisasyon sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, at ang pagbabahagi ng internasyonal na medikal na tulong ay isang mahalagang bahagi nito.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio