MOFA: Matatag at malinaw ang patakaran sa Amerika

2024-01-02 16:34:07  CMG
Share with:

Ang taong 2024 ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw, Enero 2, 2024 ng Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na matatag at malinaw ang patakaran ng Tsina sa Amerika at ito ay paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan at win-win cooperation.

 

Sinabi ng Tagapagsalita na pinatunayan ng kasaysayan na ang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang nagdulot ng kapakanan sa kanilang mga mamamayan, kundi nagpasulong ng kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig.

 

Saad pa niya na maaring isakatuparan ng dalawang bansa ang magkasamang pag-unlad.

 

Idiniin ng tagapagsalita na buong sikap na itinatatag ng panig Tsino ang matatag, malusog at sustenableng relasyong Sino-Amerikano at kasama ng panig Amerikano, nakahanda ang Tsina na taimtimang isakatuparan ang mahalagang komong palagay at bunga ng pagtatagpo ng pangulo ng dalawang bansa sa Los Angeles at pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa tungo sa tamang direksyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil