Putin: Pasusulungin ang kooperasyon ng BRICS sa taong 2024

2024-01-02 16:15:18  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Enero 1, 2024 ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na bilang kasalukuyang tagapangulong bansa ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) sa taong 2024, patuloy na pasusulungin ng Rusya ang kooperasyon ng mga kasaping bansa ng BRICS sa tatlong pangunahing larangang gaya ng pulitika at seguridad, kabuhayan at pinansiya, at kultura at pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Sinabi ni Putin na dapat pahigpitin ng mga kasaping bansa ng BRICS ang pagkokoordinahan sa diplomatikong patakaran para magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig at panrehiyon, tiyakin ang kaligtasan ng enerhiya at pagkaing-butil, pataasin ang papel ng mga bansang BRICS sa pandaigdigang sistema ng pinansiya at pananalapi at palawakin ang kooperasyon ng bangko at pinansiya sa pagitan ng mga bansang BRICS.

 

Saad pa ni Putin na gagamitin ng kayang bansa ang mga hakbangin para pasulungin ang maharmonyang pagkakasangkot ng mga bagong miyembro sa sistema ng kooperasyon ng BRICS.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil