24, nasawi sa lindol sa Hapon

2024-01-02 16:18:29  CMG
Share with:

 

Sinipi ngayong araw, Enero 2, 2024 ng Kyodo News ang datos ng pamahalaang lokal ng Hapon na nagsasabing umakyat sa 24 ang bilang ng mga nasawi sa lindol na may lakas na magnitude 7.6 na naganap Enero 1 sa Noto Peninsula ng Ishikawa, Hapon.

 

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Fumio Kishida, Punong Ministro ng Hapon na ipinadala ng pamahalaang sentral ang sundalo, pulis at rescue personnel sa nilindol na purok at patuloy na ihahatid ang mga suplay at tauhan sa apektadong lugar para buong sikap na isagawa ang gawaing panaklolo.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil