Thailand, isasagawa ang pangmatagalang visa free sa Tsina mula Marso ng 2024

2024-01-02 16:21:18  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Enero 2, 2024 sa Bangkok ni Srettha Thavisin, Punong Ministro ng Thailand, na mula Marso 1, 2024, isasagawa ng Thailand ang pangmatagalang visa free para sa mga sibilyang Tsino.

 

Sinabi niya na ang kapasiyahang ito ay ginamit pagkatapos ng positibong pagsasanggunian ng pamahalaan ng dalawang bansa.

 

Saad pa niya na ang nabanggit na kapasiyahan ay magpapasulong nang malaki sa industriya ng turismo ng Thailand at nagpapakita ng pagpapalalim ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil