IMF: Pagpipira-piraso ng kabuhayang pandaigdig, magdudulot ng malaking kapinsalaan

2024-01-03 16:16:45  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Enero 2, 2024 ni Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), na kung ipagpapatuloy ang tunguhin ng pagpipira-piraso ng kabuhayang pandaigdig, ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP) ng buong daigdig ay bababa ng 7%, at ang bilang na ito ay katumbas ng kabuuang GDP ng Pransya at Alemanya.


Sa isang TV program ng CNN nang araw ring iyon, ipinahayag ni Georgieva na sa kasalukuyan, dumarami ang bilang ng mga limitasyong may kinalaman sa di-umano’y pambansang seguridad at ang elemento ng heopolitika ay nagdudulot ng pagkahiwa-hiwalay ng kabuhayang pandaigdig.


Ayon sa pagtaya ng IMF na inilabas noong Oktubre, 2023, ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong 2024 ay aabot sa 2.9% na bumaba ng 0.1% kumpara sa taong 2023.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil