Nasawi sa pagsabog sa Iran, tumaas sa 95

2024-01-04 17:08:05  CMG
Share with:

Siyamnapu’t lima (95) katao ang naitalang patay sa dalawang pagsabog, Enero 3, 2024, sa Kerman sa dakong timogsilangan ng Iran.



Ayon sa ulat, nagtitipon ang nasabing mga tao para gunitain ang ika-4 na anibersaryo ng pagkakapaslang ng Amerika sa mataas na pinuno ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na si Sulaimani.


Ang dalawang pagsabog ay naganap sa daan patungo sa libingan ni Sulaimani.


Hinggil dito, ipinahayag ni Pangulong Seyed Ebrahim Raisi ng Iran na magbabayad nang malaki ang mga may-kagagawan ng nasabing teroristikong pag-atake sa lunsod Kerman.

 

Salin:Sarah

Pulido: rhio