CMG Komentaryo: Paano dinudungisan ng Amerika ang imahe ng Tsina

2024-01-04 15:47:08  CMG
Share with:

 

Ayon sa Strategic Competition Act of 2021 na pinagtibay, Abril 2021 ng Senado ng Amerika, $300 milyon bawat taon mula taong 2022 hanggang 2026 ang planong ilaan ng bansa para komprontahin ang impluwensya ng Tsina sa buong daigdig.

 

Kabilang sa mga aktuwal na hakbangin para rito ay pagmomonitor at pagbibigay-dagok sa di-umanoy pekeng impormasyon na inilalabas ng Tsina, pagsasanay sa mga mamamahayag para isagwa ang imbestigasyon sa mga proyektong may kinalaman sa Belt and Road Initiative (BRI), at pakikialam sa mga suliranin ng Xinjiang.

 

Nitong ilang taong nakalipas, itinuring ng Amerika ang Tsina bilang pinakamalaking kompetetibong kalaban, kaya ang public opinion war at cognitive war ay mahalagang hakbangin ng Amerika para mapigilan ang pag-unlad ng Tsina.

 

Halimbawa, ipinagkaloob ng Amerika ang pondo sa mga mamamahayag sa iba’t-ibang bansa para siraan ang mga proyekto at bahay-kalakal ng Tsina sa kanilang lokalidad.

 

Noong Mayo 2022, inulat ng The Standard, isang media ng Zimbabwe

 na ina-abuso ng bahay-kalakal ng Tsina ang mga lokal na trabahante.

 

Ang ulat na ito ay inilabas ng nasabing media, kasama ng Information for Development Trust (IDT), isang non-profit organization sa Zimbabwe.

 

Sa kabilang dako, inilathala naman ng The Herald, isang dyaryo ng Zimbabwe, na hindi totoo ang nabanggit na pang-aa-buso ng bahay-kalakal ng Tsina.

 

Ayon sa The Herald, ang IDT ay may mahalagang papel sa pagsasapubliko ng mga media ng Zimbabwe ng mga ulat na dumudungis sa imahe ng bahay-kalakal ng Tsina, at ang mga mamamahayag nito ay tumatanggap ng allowance mula sa Embahadang Amerikano.

 

Isa pang halimbawa, isang babaeng taga-Xinjiang daw ang naghayag noong 2019, na di-umano’y namatay ang kanyang tatay dahil sa puwersahang paglilitis ng pamahalaang Tsino at siya ay sapilitang inisterilisa.

 

Pero agarang inilantad ng kanyang kapatid na lalaki, na ito ay kasinungalingan.

 

Ayon sa kapatid na lalaki, ang kanilang tatay ay namatay dahil sa sakit sa puso at ang nabanggit na kapatid na babae ay kusang nagpa-isterilisa pagkatapos niyang iluwal ang ikatlong anak.

 

Ang naturang babae ay isa sa mga tumanggap ng pera mula sa National Endowment for Democracy, puppet ng pamahalaang Amerikano.

 

Sa katotohanan, hindi matatakpan ng mga pandudungis ng Amerika sa imahe ng Tsina ang mga katotohanan.

 

Halimbawa sa isyu ng Xinjiang, 40 diplomata mula sa 20 bansa ang bumisita sa lugar noong Tag-init ng 2022.

 

Matapos nilang tingnan ang kalagayan ng Xinjiang, nalaman nilang hindi totoo ang mga ulat ng mga media ng Amerika at kanluraning bansa.

 

Kaugnay ng BRI, hindi apektado ng mga negatibong ulat ng mga media ng Amerika ang mga bansang Aprikano dahil nararamdaman nila ang pagbabago at pag-unlad ng kanilang bansa na dulot ng BRI.

 

Para sa buong sangkatauhan, ang media ng Amerika at mga bansang kanluranin ay hindi tanging ugat ng impormasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio