Sapul nang isinagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas noong taong 1978, nagiging mas marami at malusog ang pagpili ng mga Tsino sa pagkain.
Ayon sa pinakahuling datos ng National Bureau of Statistics ng Tsina (NBS), mula Enero hanggang Nobyembre ng taong 2023, ang kabuuang kita ng industriya ng catering ng Tsina ay umabot sa mahigit 4.7 bilyong yuan RMB na lumaki ng 19.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.
Samantala, ang kabuuang output ng pagkaing-butil ng Tsina sa taong 2023 ay umabot sa halos 650 milyong tonelada na nakatugon sa pangangailangan ng mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, pinalawak ng Tsina ang pag-aangkat ng mga pagkain at produktong agrikultural para payamanin ang pagpili ng mga pamilyang Tsino sa pagkain.
Halimbawa, mabiling mabili sa pamilihang Tsino nitong ilang taong nakalipas ang mga prutas na galing sa mga bansa sa timog silangang Asya.
Chongqing hot pot
Mga pagkain sa supermarket
Unmanned seeder
Mga durian ng Thailand na iluluwas sa Tsina
Salin: Ernest
Pulido: Ramil