Premyer Tsino, nakikiramay sa lindol sa Hapon

2024-01-04 15:35:32  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Enero 3, 2024 kay Fumio Kishida, Punong Ministro ng Hapon, inihayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang pakikiramay.

 

Aniya, sa ngalan ng pamahalaang Tsino, siya ay taos-pusong nakikidalamhati sa mga nasawi at nakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at sugatan.

 

Sa pamumuno ng pamahalaang Hapones, tiyak aniyang mapagtatagumpayan ng mga apektadong mamamayan ang mga hamon, at muli nilang maitatayo ang lupang-tinubuan.

 

Saad pa niya, nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob ang mga tulong sa Hapon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio