Idinaos, Enero 4, 2024 ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong para pakinggan ang serye ng mga ulat sa trabaho.
Ang mga ulat ay mula sa mga miyembro ng partido na nakatalaga sa Pirmihang Komite ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), Konseho ng Estado, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), Korte Suprema ng Bayan, Suprema ng Procuratorate ng Bayan, gayundin ang mula sa Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC.
Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang naturang pulong at bumigkas ng mahalagang talumpati.
Positibo siya sa mga trabaho ng naturang mga organo noong isang taon.
Binigyan-diin niyang ang taong ito ay minarkahan ang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China (PRC) at ito ay kritikal na taon para sa pagsasakatuparan ng mga layunin at gawain ng ika-14 na Limang-Taong plano.
Umaasa aniya siyang, sa taong ito, itutuon ng naturang mga miyembro ng partido ang kanilang gawain sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, na siyang pinakamahalagang pampulitika.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil