Kalakalang panlabas ng Tsina sa serbisyo mula Enero hanggang Nobyembre ng 2023, lumaki

2024-01-05 16:39:41  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas kahapon, Enero 4, 2024 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na mula Enero hanggang Nobyembre ng taong 2023, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina sa serbisyo ay umabot sa halos 5.9 trilyong yuan RMB at lumaki ito ng 9% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.


Kabilang dito ay ang bolyum ng pagluluwas na umabot sa mahigit 2.4 trilyong yuan RMB at bumaba ito ng 6.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022, at ang bolyum ng pag-aangkat ay umabot sa halos 3.5 trilyong yuan RMB na lumaki naman ng 23.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.


Ang halaga ng trade deficit ay umabot sa mahigit 1 trilyong yuan RMB.


Sa mga sektor ng kalakalan ng serbisyo, pinakamabilis ang paglaki ng serbisyo sa paglalakbay. Ang halaga nito ay umabot sa mahigit 1.3 trilyong yuan RMB na lumaki ng 73.5% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2022.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil