Ipinahayag, Enero 4, 2024 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang paggamit ng pambasang seguridad bilang dahilan upang sugpuin at higpitan ang mga estudyanteng Tsino na nag-aaral sa Amerika, para epektibong protektahan ang kaligtasan at mga lehitimong karapatan at interes ng mga Tsinong iskolar at estudyante sa Amerika.
Sinabi ni Wang na sa mahabang panahon, sinusugpo ng Amerika ang mga estudyanteng Tsinong nag-aaral sa Amerika na may legal, wastong dokumento at bisa para sa layuning pulitikal.
Malubhang nakapinsala sa lehitimong karapatan at interes ng mga estudyanteng Tsino ang mga aksyon ng Amerika at ang atomospera ng pagpapalitang tao-sa-tao sa pagitan ng dalawang bansa, lubhang lumalabag ito sa napagkasunduan na narating ng dalawang pinuno ng estado sa pagpapalakas ng pagpapalitang tao-sa-tao at kultura ng dalawang bansa.
Sinabi pa ni Wang na patuloy na magsasagawa ang Tsina ng mga kinakailangang hakbangin para buong tatag na mapangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayang Tsino.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil