4 na sub-venue ng 2024 Spring Festival Gala ng CMG, isinapubliko

2024-01-05 12:20:55  CMG
Share with:

Isinapubliko kahapon, Enero 4, 2024 ng China Media Group (CMG) ang 4 na sub-venue ng 2024 Spring Festival Gala na kinabibilangan ng lunsod Shenyang ng lalawigang Liaoning, lunsod Xi’an ng lalawigang Shaanxi, lunsod Kashgar ng Xinjiang at lunsod Changsha ng lalawigang Hunan.


Sasali ang 4 na sub-venue sa pangunahing lugar na Beijing, upang ipakita ang pagsasahimpapawid ng 2024 Spring Festival Gala sa gabi ng Pebrero 9 o bisperas ng Chinese New Year.


Dumalo sa aktibidad ng pagsasapubliko si Shen Haixiong, Presidente ng CMG.


Ipinahayag ni Zhang Guofei, Direktor ng arts program center ng CMG, na sa pamamagitan ng pangkalahatang pagdesenyo at artistikong pagtatanghal, ipapakita ng Spring Festival Gala ang mayamang katutubong kultura ng iba’t ibang lugar ng bansa at makukulay na bagong atmospera ng bagong panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil