IDF: Puwersang militar ng Hamas sa hilaga ng Gaza Strip, buwag na

2024-01-07 10:48:48  CMG
Share with:

Sa news briefing, Enero 6, 2024, ipinahayag ni Daniel Hagari, Tagapagsalita ng Israel Defense Forces (IDF), na nabuwag na ang puwersang militar ng Hamas sa dakong hilaga ng Gaza Strip.


Kaugnay nito, ang pokus ngayon ng tropang Israeli aniya ay paglansag sa puwersang militar ng Hamas sa dakong gitna at timog ng nasabing lugar.


Sa kabilang dako, isinapubliko, Enero 6 ng departamentong pangkalusugan ng Palestina sa Gaza Strip, na 122 katao ang namatay, at 256 na iba pa ang nasugatan nitong nakalipas na 24 oras dahil sa pananalakay ng tropang Israeli.


Ayon sa estadistika, sapul nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng Palestina at Israel noong Oktubre 7, 2023, mahigit 22,700 na ang nasasawi at mahigit 58,000 iba pa ang napinsala't nasugatan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio