Nakaw na langis, dinala ng tropang Amerikano sa hilagangsilangan ng Syria - Syrian News Agency

2024-01-07 11:39:57  CMG
Share with:

Ini-ulat, Enero 6, 2024 ng Syrian News Agency, na dinala ng tropang Amerikano ang ninakaw na langis sa hilagangsilangan ng bansa nang araw ring iyon.


Nitong ilang taong nakalipas, maraming beses nang ibinalita ng pampamahalaang media ng Syria ang pagnanakaw ng mga yaman ng tropang Amerikano, at pagdadala ng mga ito sa base-militar ng Amerika sa Iraq.


Ayon sa Ministri ng Yamang Langis at Mina ng Syria, mula 2011 hanggang 2022 tinatayang nasa $107.1 bilyong dolyares ang kapinsalaang dulot ng pagnanakaw at ilegal na pangangalakal ng langis ng tropang Amerikano at pansuportang tropa nito sa industriya ng langis at natural na gas ng Syria.


Salin: Lito

Pulido: Rhio