Kasabay ng kanyang pagtanggap sa kredensyal ng bagong Embahador ng Tsina sa Equatorial Guinea na si Wang Wengang, ipinahayag, Enero 4, 2023 ni Pangulong Teodoro Obiang Nguema Mbasogo, na aktibo niyang pasusulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng Tsina sa pag-unlad ng Equatorial Guinea, kaya’t matatag aniya ang kanyang pagkatig sa mga mungkahi ng Tsina sa pagpapabuti ng pangangasiwa sa mga usaping pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Wang na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng komprehesibong partnership ng dalawang bansa ang mayamang bunga, at patuloy pang pasusulungin ng panig Tsino ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan Equatorial Guinea.
Dumating si Wang sa naturang bansa, Disyembre 31, 2023 bilang bagong Embahador Tsino.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio