Foreign exchange reserve ng Tsina, mahigit $US3.2 trilyong dolyar

2024-01-08 14:26:56  CMG
Share with:

Inihayag, Enero 7, 2024 ng State Administration of Foreign Exchange (SAFE) ng Tsina, na hanggang katapusan ng Disyembre 2023, nasa mahigit $US3.2 trilyong dolyar ang halaga ng foreign exchange reserve ng bansa.

 

Ito ay mas mataas ng 2.1% kumpara sa nagdaang noong Nobyembre 2023, anang SAFE.

 

Dagdag pa nito, ang nasabing pagtaas sa halaga ng foreign exchange reserve ay nagmula sa pagbabago ng exchange rate at presyo ng mga ari-arian.

 

Paliwanag ng SAFE, dahil sa epekto ng patakarang pampananalapi at prospek sa mga pangunahing ekonomiya, bumaba noong Disyembre 2023 ang US Dollar Index, at tumaas ang pangkalahatang presyo ng pandaigdigang financial asset.

 

Bukod diyan, nananatili rin anito ang matatag na pagbangon ng kabuhayang Tsino at de-kalidad na pag-unlad ng bansa, at ito ay nagkakaloob ng matibay na pundasyon sa halaga ng foreign exchange reserve ng bansa.


Salin: Ernest

Pulid: Rhio