Selyong “2024 Year of the Wooden Dragon,” inilabas ng PHLPost

2024-01-08 16:29:21  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang makulay na komemoratibong selyong tinaguriang “2024 Year of the Wooden Dragon,” bilang pagsalubong sa bagong taon.

 

(Photo Courtesy: website ng PHLPost)


Ayon kay Postmaster General Luis D. Carlos, “Hiling namin ay kapayapaan, kasaganaan at pagmamahal para sa inyong lahat sa darating na taon.”

 

Inilimbag ng PHLPost ang 20,000 makukulay na regular na selyo, 2,500 limitadong collector’s item souvenir sheet, at 500 unang araw na cover envelop.


 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio