Kaugnay ng kasalukuyang sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, ipinahayag kahapon, Enero 8, 2024, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matinding nanawagan ang panig Tsino sa iba’t ibang may kinalamang panig na panatilihin ang pagtitimpi, aktuwal na isakatuparan ang mga may kinalamang resolusyon ng United Nations, agarang itigil ang putukan at pangalagaan ang mga sibilyan.
Tinukoy ni Mao na sapul nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel noong nakaraang 3 buwan, halos 23 libong katao ang nasawi sa Gaza Strip na kinabibilangan ng mahigit 100 mamamahayag.
Ayon pa rin sa datos ng UN, mahigit 90% ng populasyon ng Gaza Strip ay naging refugees.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil